Mga Kakayahan na may Halaga sa Mercado
Mabibiling Kasanayan na tatagal habang buhay
Kahit mayroong hangaring magtrabaho ang mga indibidwal, marami sa kanila ang walang kakayahan para sa mga teknikal na posisyon o trabaho sa loob ng opisina. Kaya naman sila ay nauuwi sa trabaho na may napakababang sahod. Karamihan ng mga posisyon ay nangangailangan ng mga gawaing manwal, tulad ng pagtatanim at trabaho sa mga bodega. Kung ang isang indibidwal ay hindi nagtatrabaho bilang magsasaka, maaring kinakailangan nilang magmaneho ng tricycle o mangisda sa karagatan para sa halos isang dolyar ($1 USD) bawat oras. Halimbawa, ilan sa mga mas mataas na sahod na posisyon sa Pilipinas ay ang mga nagtatrabaho sa industriya ng Call Center.
Ang industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) ay napakalaki sa Pilipinas. Kahit na may mas mataas na sahod sa industriya ng BPO, kinakailangan pa rin ng karamihan ng mga ahente ng BPO na magkaruon ng diploma sa kolehiyo. Kahit mayroong diploma sa kolehiyo, ang posisyon sa BPO ay karaniwang nagkakahalaga ng mga 18,000 hanggang 22,000 piso bawat buwan, ($328 USD hanggang $402 USD bawat buwan). Paano ka makakapagpakain ng pamilya sa halagang mas mababa sa $100 Dolyar ($100 USD) kada linggo? Bukod pa dito, karamihan sa mga indibidwal ay kinakailangang magpadala ng kalahati nito sa kanilang mga magulang o mga kapatid na nangangailangan ng pagkain at tahanan.
Sa loob ng nakaraang apat na taon, ako ay nagtrabaho kasama ang mga indibidwal mula sa Pilipinas, Nigeria, Jamaica, Venezuela, India, Ghana, at Mexico. Ang kwento ay halos pare-pareho. Sa katunayan, mas maganda pa ang kalagayan ng Pilipinas kumpara sa mga bansang nabanggit. Matapos ang mga taon ng pagsusumikap, kami ay nakagawa ng isang istrakturadong plano upang malunasan ang mga hamon na patuloy na kinakaharap ng maraming bansa. KAMI ay nagpasyang kumilos agad at lumikha ng isang ekosistema na nagtuturo at nagbibigay trabaho sa mga indibidwal sa ALIN MANG komunidad, rehiyon, at bansa.
Last updated